“Simula nang sumikat si Vice Ganda, ang hirap na maghanap ng kausap na matino.”
-A quote that I’ve received for countless times.
Sa totoo lang, dati pa may mga ganyan talaga mag-comment. Satirical. Witty. Sarcastic. Naging mainstream lang sya yung sumikat si Vice.
Hindi ko naman masisisi si Vice. Parang okay pa nga e. Dahil simula nang nauso pangbabara nya, medyo naging katanggap tanggap na yung mga “masasamang” komento ko.
Hindi lang talaga sanay ang mga pinoy sa mga ganung klase ng pagpapatawa. Dati pa, ganun na rin ako. Pero nung di pa nauuso si Vice, hindi nakakatawa para sa iba. Parang highblood lang ako para sa kanila.
Scene:
Umuulan. Naglalakad na kami sa kalye.
Classmate: May payong ka?
J: Wala. Kung meron, magpapaulan ba ‘ko?
Classmate: *in an offended tone* Sorry!
Mahirap kapag ganito ang sense of humor mo. Lalo na kung sa internet mo lang nakilala yung iba. Hindi ka agad madi-digs.
Scene:
Pa-comment comment sa Facebook.
Fb friend: Touche^5454888665556555 (Or something like that. Basta to the Nth power!)
J: Ayaw mo naman umagree? haha! (May haha na para clue na humor ‘to)
Fb friend: I said Touche. Lol
J: Yea. I was just being ironic.
Madalas kailangan pa i-explain ang sarili. Kaya napagdesisyonan ko na kapag hindi nadi-digs ng tao ang humor ko, wala kaming future. We cannot be together, friend!
Ngayon, uso na nga ang way ng pagpapatawa ni Vice. Nakakatawa pero pinamumukha talaga ang katangahan ng mga tao. Hindi mo naman masasabi na hindi matino ang ganitong uri ng pagpapatawa dahil mas lalong hindi matino yung mga taong nagtatanong na obvious naman ang sagot.
Scene:
Nasa Watson kami ni Lee. Tinitingnan ni Lee yung hawak nyang Leg Makeup.
Saleslady: Para po yan sa legs.
J: (Nakaharap kay Lee) Para yan sa muka mo. Leg Makeup nga e.
(akala ko si Lee yung nagtanong kung para saan yun kaya nagsalita ang saleslady na para sa leg ‘yon. Hindi pala sya nagtanong. Automatic lang yung saleslady. Tsk. Yung Saleslady pala ang nabara ko kaya medyo tumawa sya.
Scene:
Nagkukwento ako sa classmate ko. Nakasulat sa papel yung dialogue. May “Me” dun sa characters.
Classmate: Ikaw ‘tong “Me”?
J: Hindi. Ikaw. Tapos pag may “You” ako yun ha.
Pasalamat na rin siguro ako kay Vice. Naging tolerant na ko sa kabobohan ng iba. Minsan, napapansin ko rin ang sarili kong kabobohan.
Mashe: Nakita mo yung Human Cross ng UST? Kasama sa Guinness Book of World Records.
J: Hindi pa. Mga tao yun?
Mashe: Oo.
J: *Narealize ang kabobohan* Hindi. Mga animal yun. Human Cross kase.
J: Bakit naglalagay ka nyan (insect repellent).
Lee: Nilalamok.
J: *Narealize ang kabobohan* Ay hindi, Ini-elepante ka.
Dahil nga katanggap tanggap na, ito na yung klase ng joke na pwede mo na sabihin sa harap ng magulang mo at matatawa pa rin sila.
Scene:
Binigay ko ang chicken sa tatay ko habang sinasabi na ayaw ko na.
Sya: Ayaw mo na?
J: Hindi. Gusto ko pa. Kaya binigay ko sayo yan kasi pag-aagawan natin yan.
Isa lang ang rule ngayon sa pakikipag-usap: Spot the stupid question. Then ridicule it. Laugh. Laugh. Laugh.